Department of Health
Malasakit Program Office
Process of Availing of Medical Assistance
Paano Makahingini ng Tulong sa Malasakit Center?
1.
Magpakonsulta o magpagamot sa ospital na may Malasakit Center
2.
Magtungo sa opisina ng Malasakit Center sa loob ng ospital upang matugunan ang pangangailangang medikal o pinansyal
3.
Sumailalim sa isang interview at assessment ng nakatalagang social worker para sa inyong pangangailangan
4.
Magsumite ng mga kinakailangang dokumento para makatanggap ng mga benepisyo
5.
Tanggapin ang aprubadong benepisyong medikal o pinansyal
Saan matatagpuan ang mga Malasakit Centers?
- Department of Health (DOH) Hospitals
- State Universities and Colleges Hospital
- Department of National Defense Hospital
- Philippine National Police Hospital
- Local Government Unit (LGU) Hospitals – selected
Sinu-sino ang pwedeng makatanggap sa mga benepisyo sa Malasakit Centers?
Bawat mamamayang Pilipino na kabilang sa mga sumusunod:
- “indigent patients”, at
- “financially incapacitated patients” o mga pasyenteng humaharap sa matinding hamong pang-pinansyal upang matugunan ang matagalang gamutan o gastusin
- Department of National Defense Hospital
- Philippine National Police Hospital
- Local Government Unit (LGU) Hospitals – selected
Ang mga sumusunod ay ang mga mahihinging tulong sa loob ng Malasakit Centers:
PHIC
- Kaalaman tungkol sa mga nailathala o naisapublikong benepisyo mula sa PhilHealth.
- Pag-alalay sa mga miyembro at kanilang mga dependents sa pagkuha ng kanilang karampatang benepisyo.
PCSO
- Confinement Assistance
- Medisina
- Laboratory/Diagnostic procedures
- Implant
- Medical devices (selected)
DSWD
- Tulong pang-transportasyon
- Tulong para sa pagkain
- Tulong sa pagpapalibing
- ”Assistive Devices” para sa mga may kapansanan
- Tulong pinansyal para sa iba pang pangangailangan
DOH
- Mga medisina o gamot na nakasaad sa ilalim ng Philippine National Drug Formulary (PNDF) o mga gamot na para sa ”Compassionate Use”.
- Blood products
- Mga iba’t ibang pamamaraan at kagamitang medikal.
- Suporta para sa mga serbisyong mental, psychosocial at rehabilitasyon.
- Hospital bill
Para sa mas detalyado at karagdagang impormasyon, maaring makipag-ugnayan sa Malasakit Program Office gamit ang mga sumusunod:
(02) 8651 – 7800
Local: 1810 • 1811 • 2711