Swimming! For sure excited na naman tayong lahat na rumenta ng resort at makipag-bonding sa ating mga kapamilya at kabarkada sa tabi ng swimming pool o ng dagat. Ika nga ng mga tito’t tita pagdating sa swimming ay “Ilabas ang barbecue at hanapin ang karaoke!”
Wala naman sigurong Pinoy ang iiwas sa swimming, lalo na’t napaka-init na. Pero dapat lang nating tandaan na mag-ingat tuwing magsu-swimming – sa pool man, ilog o dagat. Did you know na ang pagkalunod, or drowning, ay ang 3rd leading cause ng unintentional death sa buong mundo? At sa Pilipinas naman, umaabot sa 10 Pinoy ang nalulunod araw araw, ayon sa WHO.
Unfortunately, ang iba sa mga ito ay mga bata. Mas mataas rin ang risk para sa mga batang lalaki. Bakit kaya? Ito ay connected daw sa mas mataas na exposure sa tubig, risk-taking behaviors, at pag-inom ng alak ng mga kalalakihan. Oh, guys, take note!
Hindi rin nakakatulong na ang Pilipinas ay isang archipelago, at marami sa mga kababayan natin ay mga mangingisda o kaya naman ay nakatira sa may tabing dagat.
Other factors na nakakaapekto sa dami ng nalulunod, ayon sa United States Center for Disease Control, ay:
- Non-swimming, or walang abilidad na maglangoy.
- Missing or ineffective barriers ng tabing tubig.
- Lack of close supervision, or ang pagkakulang ng parent or guardian habang may lumalangoy.
- Proximity to bodies of water, or pagkalapit sa kahit anong anyong tubig.
- Unavailability of life jackets, or kakulangan ng gamit paglangoy.
- Alcohol intake, or ang pag-inom ng alak bago lumangoy.
- Restricted and prescription drug use, or ang paggamit ng droga.
Hindi ibig sabihin nito na iwasan na natin ang pag-enjoy ng ating mga summer vacations, at iwasan na ng buo ang mga family reunions sa resorts. Ibig sabihin lamang nito ay lalong ingatan natin ang ating mga sarili, anak, at mga kapamilya kung mayroong outing, lalo na’t kapag may balak na mag-swimming.
Pagdating naman sa pag-iingat laban sa mga possible causes ng pagkalunod, marami tayong pwedeng gawin upang maiwasan ang pagkalunod. Dapat magtulungan ang lahat, from community leaders to parents, para maiwasan ang posibleng trahedya na madulot from carelessness.
Ito ay ilan lamang sa mga precautions na pwede nating gawin:
- Installing barriers controlling access to water, or ang paglalagay ng kahit anong barrier, fences, at railings sa tabi ng mga anyong tubig, when necessary;
- Providing safe spaces away from water, o ang paglalagay ng safe spaces na malayo sa tubi, lalo na para sa mga preschool children;
- Training o ang pagsasanay sa mga tao about safe rescue and resuscitation;
- Enforce safe boating, shopping, and ferry regulations;
- Improve flood risk management o pagpapabuti ng mga ways and means sa pag-manage ng baha; and
- Teach school-aged children basic swimming, water safety, and safe rescue skills.
Ang mga nalista dito ay ilan lamang sa mga paraan kung paano natin matutulungan ang ating komunidad na iwasan ang mga kaso ng pagkalunod. Kailangan nating magtulungan at pakatandaan ang mga ito para at sa mas ligtas na summer outing!
Do your part. Be water smart!
Related Posts