May 14, 2024

Putting People First: Observing the International AIDS Candlelight Memorial Day 2024Hindi dahilan ang pagkakaroon ng

Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) o Human Immunodeficiency Virus (HIV) para kamuhian ang isang tao. Baguhin na ang ganyang pag-iisip. Ngayong May 19, let’s all observe International AIDS Candlelight Memorial Day to show our support to people living with HIV (PLHIV) and to remember all those who lost their lives to AIDS.

Ang International AIDS Candlelight Memorial Day ay isang mobilization campaign for HIV awareness na sinimulan ng Global Network of People Living with HIV (GNP+), na ginaganap tuwing 3rd Sunday ng May. Ang tema ngayong taon ay “Put People First: Kandila ng Pagkalinga, Liwanag ng Pag-asa”.

Ang goal ng campaign ay ma-realize ng mga Pinoy ang struggles at challenges na nararanasan ng people living with HIV. Bukod sa iniinda nilang karamdaman, they also experience discrimination, shame, self-doubt, at kalimitan ay feeling isolated sila dahil sa stigma dulot ng HIV at AIDS. Dahil dito, maraming Pinoy ang hindi nagpapa-checkup at sino-solo na lang ang kanilang pinagdadaanan.

We have to do our part to make them feel safe and respected. Dapat maramdaman nila na hindi sila naiiba. Sabi nga ng World Health Organization (WHO), “Viruses don’t discriminate, and neither should we.”

Ang ultimate goal ng DOH ay to end AIDS-related deaths by 2030. Target din na 95% ng PLHIV ang aware sa kanilang status at 95% ang enrolled on ART. Nais din nila na 95% ng sumasailalim sa treatment ay virally suppressed.

Sa tulong ng mga HIV/AIDS awareness campaigns at iba pang programa ng DOH, kaya nating ma-reach ang goal na ito at tuluyang tuldukan ang HIV at AIDS sa Pilipinas. We all need work together to eliminate the stigma and discrimination laban sa mga PLHIV.

Magandang umpisahan ang pagbabago within the immediate family at community ng PLHIV. Kung ikaw ay may kamag-anak o kakilalang may HIV, oras na para buksan ang iyong isipan at alamin ang mga facts and misconceptions tungkol sa sakit na ito.

Bukod sa mental at emotional support, kailangan rin nating suportahan ang mga programa na nagbibigay ng financial aid at proper medical services sa mga PLHIV.

Sa ngayon, mayroong around 180 HIV treatment hubs at primary HIV care facilities sa bansa. Unfortunately, hindi lahat ng nangangailangan know where they can access treatment and other HIV services. Hindi rin madali para sa iba lalo na yung nasa rural areas o liblib na lugar, ang mapuntahan ang mga social hygiene clinics o HIV care facilities.

Under the national HIV program, free ang HIV treatment o Antiretroviral Therapy (ART). Meron ding Outpatient HIV/AIDS Treatment (OHAT) Package ang PhilHealth na malaking tulong para sa mga PLHIV. Gayunpaman, kailangan rin nila ng tulong sa ibang expenses gaya ng tests, lab fees, doctor’s consultations, counseling, and other medical services. 

When it comes to breaking HIV stigma, malaking tulong ang undetectable equals untransmittable messaging o U=U messaging para mawala ang mga misconceptions about the virus. Ang ibig sabihin nito ay kapag ang isang PLHIV ay may undetectable viral load, hindi niya maipapasa ang virus sa iba through sexual contact. So kapag undetectable, ito ay untransmittable.

Para maging undetectable ang viral load, kailangan ay consistent na tine-take ng PLHIV ang kanyang mga gamot upang bumaba ang HIV sa kaniyang dugo. Kaya naman mahalaga na magpa-check up agad if you’re showing HIV symptoms. Oras na ma-diagnose ka with HIV, mag-medicate agad para hindi na ito lumala at hindi mo maipasa sa iba.

 

Para mas maliwanagan tungkol sa HIV and to get tested for the virus, visit primary care HIV facilities. You can also contact the Department of Health (DOH), Philippine National AIDS Council (NAC), and other partner organizations.

At the end of the day, gusto nating masasabi ng mga PLHIV na:

“I’m a PLHIV. Of course, I have responsible sex. I will undergo treatments consistently para maging undetectable ang viral load nang sa gayon ay hindi ko mahawaan ng HIV ang partner ko.”

“I’m a PLHIV. Of course, regular akong nagpapa-checkup at nagti-treatment. Responsibility ko na hindi hayaang lumala ang HIV at maging AIDS ito. Syempre malaking tulong ang suporta galing sa gobyerno, DOH, at mga non-governemt organizations.”

“I’m a PLHIV. Of course, hindi ako nahihiya kasi todo support ang mga mahal ko sa buhay pati ang buong community.”

< Return to Articles