Public Health Advisory | 2 September 2024

Dahil sa malakas na ulan na dala ng bagyong si Enteng, pinaaalala po ng Department of Health (DOH) na mag-ingat sa Leptospirosis mula sa baha.

Madumi ang tubig baha. Iwasan hanggat kaya. Hugasan ang katawan ng tubig at sabon pagkaahon. Anuman ang dahilan, basta napalusong, kahit walang sugat o nararamdaman, kumonsulta agad sa doktor o health center sa loob ng 1-2 araw.

Mayroon pa ring antibiotic prophylaxis (pag-iwas), at libre ang konsulta at reseta sa government health center. Naka price-freeze pa rin ang mga gamot kasama ang Doxycycline sa mga lugar na tinamaan noon ng bagyong Carina, hanggang September 23.