
Noong ika-23 ng Oktubre 2022, mayroong 650 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,520 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 581(23.1%) ang okupado. Samantala, 5,666 (26.4%) ng 21,474 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 73 milyong indibidwal o 94.09% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 20 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.9 milyong senior citizens o 79.19% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Oktubre 17 hanggang 23, 11,995 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,714, mas mababa ng 22 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Oktubre 10 hanggang 16. Sa mga bagong kaso, 4 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 272 na pumanaw kung saan 26 ay naganap noong Oktubre 10 hanggang 23.
Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker
Note:
Of the 272 deaths, 28 occurred in October 2022, 3 in September 2022, 3 in August 2022, 1 in January 2022, 186 in August 2021, 14 in July 2021, 19 in May 2021, and 18 in April 2021.