
Noong ika-15 ng Enero 2023, mayroong 567 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,340 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 402(17.2%) ang okupado. Samantala, 3,917(20.0%) ng 19,607 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 73 milyong indibidwal o 94.50% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 21 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.9 milyong senior citizens o 79.46% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Enero 9 hanggang 15, 2,934 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 419, mas mababa ng 6 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Enero 2 hanggang 8. Sa mga bagong kaso, 1 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 116 na pumanaw kung saan 14 ay naganap noong enero 2 hanggang 15.
Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker
Note:
Of the 116 deaths, 15 occurred in January 2023, 37 in December 2022, 6 in November 2022, 3 in October 2022, 13 in September 2022, 17 in August 2022, 2 in February 2022, 3 in January 2022, 2 in November 2021, 4 in October 2021, 2 in September 2021, 5 in August 2021, 3 in July 2021, 1 in June 2021, 2 in April 2021, and 1 in December 2020.