August 14, 2023

Noong ika-13 ng Agosto 2023, mayroong 238 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 1,750 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 184(10.5%) ang okupado. Samantala, 2,214 (14.4%) ng 15,425 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 78 milyong indibidwal o 100.44% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 23 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 7.1 milyong senior citizens o 82.16% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Mula Agosto 7 hanggang 13, 924 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 132, *mas mababa ng 5 percent* kung ikukumpara sa mga kaso noong Hulyo 31 hanggang Agosto 6. Sa mga bagong kaso, 11 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 20 na pumanaw kung saan 14 ay naganap noong Hulyo 31 hanggang Agosto 13.

*Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.*

*Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker*

Note: Of the 20 deaths, 14 occurred in August 2023, and 6 in July 2023.

*Due to the ongoing migration of the Vaccine Information Management System (VIMS) by the DICT, the DOH-EB will not be able to generate updated vaccine accomplishment until said migration has been resolved. Rest assured that any data submitted or edited through the VIMS application are still accepted and duly processed.*