
Ngayong Marso 7, 2022, mayroong 1,055 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 3,138 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 807 (25.7%) ang okupado. Samantala, 18.4% ng 24,678 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 63 milyong indibidwal o 70.76% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 10.5 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.4 milyong senior citizens o 74.22% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Marso 1 hanggang Marso 7, 2022, 6,297 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 899, mas mababa ng 30% kung ikukumpara sa mga kaso noong February 22 to 28. Sa mga bagong kaso, 3 o 0.05% ng mga bagong kaso ang kasalukuyang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 615 na pumanaw.
*Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted facemask at kung maari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa dagdag na proteksyon laban sa banata ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.*
Para sa mas maraming impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker
Note:
*Of the 615 deaths, 39 occurred in March 2022 (6.3%), 195 in February 2022 (31.7%), 104 in January 2022 (16.9%), 4 in December 2021 (0.7%), 16 in November 2021 (2.6%), 37 in October 2021 (6.0%), 53 in September 2021 (8.6%), 29 in August 2021 (4.7%), 11 in July 2021 (1.8%), 15 in June 2021 (2.4%), 16 in May 2021 (2.6%), 24 in April 2021 (3.9%), 35 in March 2021 (5.7%), 5 in February 2021 (0.8%), 1 in January 2021 (0.2%), 1 in December 2020 (0.2%), 9 in November 2020 (1.5%), 4 in October 2020 (0.7%), 6 in September 2020 (1.0%), 6 in August 2020 (1.0%), 3 in July 2020 (0.5%), 1 in April 2020 (0.2%), and 1 in March 2020 (0.2%) due to late encoding of death information to COVIDKaya. This is currently being coordinated with the Epidemiology and Surveillance Units to ensure information is up to date.*
26 duplicates were removed from the total case count. These 26 are recoveries. In addition, out of the original 6,319 newly reported case this week, there were 22 duplicates removed resulting to a total of 6,297 new cases for the week.
Moreover, 551 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.