March 21, 2022

Noong ika-13 ng Marso 2022, mayroong 805 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 3,473 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 704 (17.8%) ang okupado. Samantala, 16.6% ng 27,376 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 65 milyong indibidwal o 72.41% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 11.5 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.5 milyong senior citizens o 75.31% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Mula Marso 14 hanggang Marso 20, 2022, 3,572 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 510, mas mababa ng 13% kung ikukumpara sa mga kaso noong Marso 7 hanggang 13. Sa mga bagong kaso, 1 o 0.03% ang kasalukuyang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 655 na pumanaw.

**Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted facemask at kung maari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa dagdag na proteksyon laban sa banata ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster**

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker

Note:

**Of the 655 deaths, 97 occurred in March 2022 (14.8%), 122 in February 2022 (18.6%), 81 in January 2022 (12.4%), 7 in December 2021 (1.1%), 29 in November 2021 (4.4%), 101 in October 2021 (15.4%), 100 in September 2021 (15.3%), 45 in August 2021 (6.9%), 15 in July 2021 (2.3%), 13 in June 2021 (2.0%), 6 in May 2021 (0.9%), 6 in April 2021 (0.9%), 1 in March 2021 (0.2%), 5 in February 2021 (0.8%), 8 in January 2021 (1.2%), 2 in December 2020 (0.3%), 5 in November 2020 (0.8%), 5 in October 2020 (0.8%), 2 in September 2020 (0.3%), and 1 in August 2020 (0.2%) due to late encoding of death information to COVIDKaya. This is currently being coordinated with the Epidemiology and Surveillance Units to ensure information is up to date.**