
Noong ika-27 ng Marso 2022, mayroong 758 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 3,204 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 484 (15.1%) ang okupado. Samantala, 16.7% ng 27,547 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 65 milyong indibidwal o 72.93% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 11.8 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.5 milyong senior citizens o 75.56% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Marso 21 hanggang Marso 27, 2022, 2,726 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 389, mas mababa ng 24% kung ikukumpara sa mga kaso noong Marso 14 hanggang 20. Sa mga bagong kaso, walang kasalukuyang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 752 na pumanaw.
Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted facemask at kung maari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa dagdag na proteksyon laban sa banata ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker
Note:
Of the 752 deaths, 107 occurred in March 2022 (14.2%), 105 in February 2022 (14.0%), 52 in January 2022 (6.9%), 19 in December 2021 (2.5%), 30 in November 2021 (4.0%), 82 in October 2021 (10.9%), 161 in September 2021 (21.4%), 83 in August 2021 (11.0%), 51 in July 2021 (6.8%), 17 in June 2021 (2.3%), 8 in May 2021 (1.1%), 8 in April 2021 (1.1%), 2 in March 2021 (0.3%), 1 in February 2021 (0.1%), 5 in January 2021 (0.7%), 8 in December 2020 (1.1%), 7 in November 2020 (0.9%), 4 in October 2020 (0.5%), 1 in September 2020 (0.1%), and 1 in August 2020 (0.1%) due to late encoding of death information to COVIDKaya. This is currently being coordinated with the Epidemiology and Surveillance Units to ensure information is up to date.