
Noong ika-15 ng Mayo 2022, mayroong 588 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,812 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 438 (15.6%) ang okupado. Samantala, 17.5% ng 23,707 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 68 milyong indibidwal o 76.29% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 13.6 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.7 milyong senior citizens o 77.12% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Mayo 9 hanggang 15, 2022, 1,118 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 160, mas mababa ng *0.3 percent* kung ikukumpara sa mga kaso noong May 2 hanggang Mayo 8. Sa mga bagong kaso, 14 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 16 na pumanaw kung saan 10 ay naganap noong Mayo 2 hanggang 15.
*Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted facemask at kung maari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa dagdag na proteksyon laban sa banata ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.*
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker
*Note:*
*Of the 16 deaths, 12 occurred in May 2022 (75.0%), and 4 in April 2022 (25.0%).*