May 30, 2022

Noong ika-29 ng Mayo 2022, mayroong 679 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,730 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 459(16.8%) ang okupado. Samantala, 17.2% ng 23,612 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 69 milyong indibidwal o 77.00% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 14.1 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.7 milyong senior citizens o 77.29% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Mula Mayo 23 hanggang 29, 2022, 1,317 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 188, mas mataas ng 8.8 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Mayo 16 hanggang 22. Sa mga bagong kaso, 12 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, walang naitalang pumanaw sa nakaraang linggo.

*Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted facemask at kung maari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa dagdag na proteksyon laban sa banata ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.*

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

*Note:
There were new deaths between May 20 to May 30 that were not reported as deaths in the latest linelist due to issues with data extraction from COVIDKAYA. The DOH is in coordination with DICT to address the issue.*