June 6, 2022

Noong ika-5 ng Hunyo 2022, mayroong 599 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,632 ICU beds na nakalaan para sa mga pasyenteng may COVID-19, 386 (14.7%) lamang ang okupado. Samantala, 18.1% lamang ng 22,245 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 69 milyong indibidwal o 77.20% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19, habang 14.3 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.7 milyong senior citizens o 77.33% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Mula Mayo 30 hanggang Hunyo 5, 2022, 1,295 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 185, *mas mababa ng 1.4 percent* kung ikukumpara sa mga kaso noong Mayo 23 hanggang 29. Sa mga bagong kaso, 16 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 1 na pumanaw, at hindi ito naganap noong Mayo 9 hanggang 22.

*Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng Best-fitted facemask, agad naag-Isolate sa oras na magkasintomas, Doblehin ang proteksyon sa bakuna at booster, at piliin ang lugar na maganda ang Airflow.*

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

*Note:*

*One (1) death occurred in January 2021 (100.0%).*