
Noong ika-12 ng Hunyo 2022, mayroong 498 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,078 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 345 (16.6%) ang okupado. Samantala, 20.3% ng 15,706 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 69 milyong indibidwal o 77.51% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 14.5 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.7 milyong senior citizens o 77.42% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Hunyo 6 hanggang 12, 2022, 1,682 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 240, mas mataas ng 30.4 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Mayo 30 hanggang Hunyo 5. Sa mga bagong kaso, 8 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 5 na pumanaw kung saan 2 ay naganap noong Mayo 30 hanggang Hunyo 12.
*Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.*
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker
*Note:*
*Of the 5 deaths, 2 occurred in June 2022 and 3 have no dates of death.*