
Noong ika-19 ng Hunyo 2022, mayroong 554 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,636 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 385 (14.6%) ang okupado. Samantala, 18.2% ng 22,156 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 70 milyong indibidwal o 77.81% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 14.8 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.7 milyong senior citizens o 77.47% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Hunyo 13 hanggang 19, 2022, 3,051 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 436, mas mataas ng 82 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Hunyo 6 hanggang 12. Sa mga bagong kaso, 15 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 6 na pumanaw. Wala sa mga ito ang naganap noong Hunyo 6 hanggang 12.
Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker
Note:
Of the 6 deaths, 1 occurred in January 2022, 1 in September 2021, 1 in June 2021, 1 in April 2021, and 2 in March 2021.