June 12, 2023

Noong ika-11 ng Hunyo 2023, mayroong 527 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,134 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 377(17.7%) ang okupado. Samantala, 3,493(19.5%) ng 17,922 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 78 milyong indibidwal o 100.44% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 23 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 7.1 milyong senior citizens o 82.16% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Mula Hunyo 5 hanggang 11, 6,630 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 947, *mas mababa ng 27 percent* kung ikukumpara sa mga kaso noong Mayo 29 hanggang Hunyo 4. Sa mga bagong kaso, 112 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 5 na pumanaw kung saan walang naganap noong Mayo 29 hanggang Hunyo 11.

Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker

Note: Of the 5 deaths, 4 occurred in May 2023, and 1 in March 2023.

Due to ongoing migration of the Vaccine Information Management System (VIMS) by the DICT, the DOH-EB will not be able to generate updated vaccine accomplishment until said migration has been resolved. Rest assured that any data submitted or edited through the VIMS application are still accepted and duly processed.

#DOH #Health #KagawaranNgKalusugan #OneDOH #UHC