July 11, 2022

Noong ika-10 ng Hulyo 2022, mayroong 555 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,414 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 411(17.0%) ang okupado. Samantala, 22.7% ng 21,424 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 71 milyong indibidwal o 78.95% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 15.3 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.7 milyong senior citizens o 77.72% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Mula Hulyo 4 hanggang 10, 10,271 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,467, mas mataas ng 39 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Hunyo 27 hanggang Hunyo 3. Sa mga bagong kaso, 27 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 50 na pumanaw kung saan wala dito ay naganap noong Hunyo 20 hanggang Hulyo 3.

Para sa mas maraming impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker

Note:

Of the 50 deaths, 1 occurred in May 2022, 3 in February 2022, 8 in January 2022, 3 in December 2021, 1 in November 2021, 2 in October 2021, 12 in September 2021, 7 in August 2021, 2 in July 2021, 3 in June 2021, 6 in April 2021, 1 in March 2021, and 1 in November 2020.