
Noong ika-24 ng Hulyo 2022, mayroong 666 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,664 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 578 (21.7%) ang okupado. Samantala, 26.0% ng 22,331 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 71 milyong indibidwal o 91.61% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 15.9 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.7 milyong senior citizens o 77.87% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Hulyo 18 hanggang 24, 19,536 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 2,791, mas mataas ng 33 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Hulyo 11 hanggang 17. Sa mga bagong kaso, 56 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 42 na pumanaw at wala sa mga ito ang naganap noong Hulyo 11 hanggang 24.
*Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.*
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: https://doh.gov.ph/covid19tracker
*Note:*
*Of the 42 deaths, 1 occurred in October 2021, 13 in August 2021, 9 in July 2021, 9 in June 2021, 9 in May 2021, and 1 in April 2021.*