August 8, 2022

Noong ika-7 ng Agosto 2022, mayroong 772 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,514 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 624(24.8%) ang okupado. Samantala, 30.9% ng 21,548 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 71 milyong indibidwal o 92.06% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 16.6 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.7 milyong senior citizens o 77.90% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Mula Agosto 1 hanggang 7, 27,331 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 3,904, mas mataas ng 13 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Hulyo 25 hanggang 31. Sa mga bagong kaso, 76 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 80 na pumanaw kung saan 32 ay naganap noong Hulyo 25 hanggang Agosto 7.

Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: https://doh.gov.ph/covid19tracker

Note

Of the 80 deaths, 8 occurred in August 2022, 24 in July 2022, 5 in March 2022, 7 in February 2022, 4 in January 2022, 1 in October 2021, 9 in September 2021, 8 in August 2021, 3 in July 2021, 2 in June 2021, 3 in May 2021, 5 in April 2021, and 1 in March 2021.*