
Noong ika-14 ng Agosto 2022, mayroong 822 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,571 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 719 (28.0%) ang okupado. Samantala, 30.9% ng 21,968 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 72 milyong indibidwal o 92.33% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 17 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.7 milyong senior citizens o 77.96% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Agosto 8 hanggang 14, 28,008 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 4,001, mas mataas ng 3 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Agosto 1 hanggang 7. Sa mga bagong kaso, 101 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 229 na pumanaw kung saan 98 ay naganap noong Hulyo Agosto 1 hanggang Agosto 14.
*Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.*
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: https://doh.gov.ph/covid19tracker
*Note*
*Of the 229 deaths, 98 occurred in August 2022, 129 in July 2022, 1 in June 2022, and 1 in September 2021.*