August 29, 2022

Noong ika-28 ng Agosto 2022, mayroong 807 na malubha at kritikal na pasyenteng naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,551 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 635 (24.9%) ang okupado. Samantala, 28.1% ng 21,287 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 72 milyong indibidwal o 92.80% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 17 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.8 milyong senior citizens o 78.10% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Mula Agosto 22 hanggang 28, 19,262 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 2,752, mas mababa ng 19 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Agosto 15 hanggang 21. Sa mga bagong kaso, 110 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 316 na pumanaw kung saan 94 ay naganap noong Hulyo Agosto 15 hanggang Agosto 28.

Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maari, manatili sa well-ventilated na mga lugar.  Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker

*Note*

*Of the 316 deaths, 113 occurred in August 2022, 18 in July 2022, 2 in June 2022, 5 in May 2022, 1 in April 2022, 63 in February 2022, 104 in January 2022, 1 in September 2021, 1 in August 2021, 3 in May 2021, 1 in March 2021, 1 in February 2021, 2 in January 2021, and 1 in June 2020.*