
Noong ika-11 ng Setyembre 2022, mayroong 727 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,485 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 594(23.9%) ang okupado. Samantala, 28.2% ng 21,020 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 72 milyong indibidwal o 93.18% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 18 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.8 milyong senior citizens o 78.18% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Setyembre 5 hanggang 11, 15,379 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 2,197, mas mababa ng 10 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Agosto 29 hanggang Setyembre 4. Sa mga bagong kaso, 12 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 300 na pumanaw kung saan 21 ay naganap noong Hulyo Agosto 29 hanggang Setyembre 11.
Para sa mas maraming impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker
Note:
Of the 300 deaths, 19 occurred in September 2022, 30 in August 2022, 41 in November 2021, 154 in October 2021, 39 in September 2021, 1 in April 2021, 1 in September 2020, 6 in August 2020, 8 in July 2020, and 1 in June 2020.