September 26, 2022

Noong ika-25 ng Setyembre 2022, mayroong 790 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,514 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 576 (22.9%) ang okupado. Samantala, 27.8% ng 21,078 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 73 milyong indibidwal o 93.49% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 19 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.8 milyong senior citizens o 78.36% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Mula Setyembre 19 hanggang 25, 17,891 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 2,556, mas mataas ng 22 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Setyembre 12 hanggang 18. Sa mga bagong kaso, 2 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 242 na pumanaw kung saan 29 ay naganap noong Setyembre 12 hanggang 25.

Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maari, manatili sa well-ventilated na mga lugar.  Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker

Note:

Of the 242 deaths, 34 occurred in September 2022, 1 in January 2022, 59 in October 2021, 147 in September 2021, and 1 in April 2021.