
Noong ika-9 ng Oktubre 2022, mayroong 669 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,524 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 614(24.3%) ang okupado. Samantala, 27.2% ng 21,039 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 73 milyong indibidwal o 93.87% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 20 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.8 milyong senior citizens o 78.95% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Oktubre 3 hanggang 9, 14,333 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 2,048, mas mababa ng 10 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Setyembre 26 hanggang Oktubre 2. Sa mga bagong kaso, 5 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 256 na pumanaw kung saan 29 ay naganap noong Setyembre 26 hanggang Oktubre 9.
Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker
Note
Of the 256 deaths, 14 occurred in October 2022, 36 in September 2022, 7 in August 2022, 1 in May 2022, 5 in October 2021, 185 in September 2021, and 8 in August 2021