
Noong ika-13 ng Nobyembre 2022, mayroong 613 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,465 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 524(21.3%) ang okupado. Samantala, 5,363(25.8%) ng 20,825 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 73 milyong indibidwal o 94.29% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 20 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.9 milyong senior citizens o 79.42% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Nobyembre 7 hanggang 13, 9,069 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,296, mas mataas ng 43 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Oktubre 31 hanggang Nobyembre 6. Sa mga bagong kaso, 6 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 113 na pumanaw kung saan 41 ay naganap noong Oktubre 31 hanggang Nobyembre 13.
Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker
Note
Of the 113 deaths, 39 occurred in November 2022, 42 in October 2022, 13 in September 2022, 2 in August 2022, 4 in March 2021, 4 in February 2021, 4 in January 2021, 1 in December 2020, 3 in November 2020, and 1 in September 2020.