
Noong ika-22 ng Enero 2023, mayroong 432 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,299 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 370(16.1%) ang okupado. Samantala, 3,509 (19.1%) ng 18,410 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 73 milyong indibidwal o 94.52% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 21 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.9 milyong senior citizens o 79.46% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Enero 16 hanggang 22, 1,891 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 270, mas mababa ng 35 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Enero 9 hanggang 15. Sa mga bagong kaso, 4 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 104 na pumanaw kung saan 7 ay naganap noong Enero 9 hanggang 22.
Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker
Note:
Of the 104 deaths, 9 occurred in January 2023, 1 in December 2022, 1 in November 2022, 8 in February 2022, 7 in January 2022, 13 in October 2021, 9 in September 2021, 12 in August 2021, 7 in July 2021, 7 in June 2021, 3 in May 2021, 12 in April 2021, 4 in March 2021, 1 in February 2021, 3 in January 2021, 1 in December 2020, 1 in October 2020, 2 in September 2020, 2 in August 2020, and 1 in May 2020.