
Noong ika-12 ng Pebrero 2023, mayroong 426 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,243 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 311(13.9%) ang okupado. Samantala, 3,402(19.6%) ng 17,344 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 73 milyong indibidwal o 94.57% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 21 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.9 milyong senior citizens o 79.47% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Pebrero 6 hanggang 12, 1,101 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 157, mas mataas ng 9 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Enero 30 hanggang Pebrero 5. Sa mga bagong kaso, 2 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 98 na pumanaw kung saan 6 ay naganap noong Enero 30 hanggang Pebrero 12.
Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker
Note:
Of the 98 deaths, 6 occurred in February 2023, 17 in January 2023, 3 in December 2022, 7 in November 2022, 1 in October 2022, 3 in March 2022, 6 in February 2022, 11 in January 2022, 1 in December 2021, 5 in November 2021, 5 in October 2021, 7 in September 2021, 5 in August 2021, 2 in July 2021, 6 in June 2021, 1 in May 2021, 5 in April 2021, 3 in February 2021, 1 in December 2020, 1 in October 2020, and 2 in August 2020.