April 10, 2023

Noong ika-9 ng Abril 2023, mayroong 378 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,038 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 301(14.8%) ang okupado. Samantala, 2,699(16.5%) ng 16,369 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 78 milyong indibidwal o 100.44% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 23 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 7.1 milyong senior citizens o 82.16% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Abril 3 hanggang 9, 1,944 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 278, mas mataas ng 13 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Marso 27 hanggang Abril 2. Sa mga bagong kaso, 17 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 30 na pumanaw kung saan 0 ay naganap noong Marso 27 hanggang Abril 9.
*Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.*
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker
Note:
Of the 30 deaths, 1 occurred in December 2022, 3 in January 2022, 1 in December 2021, 4 in November 2021, 1 in October 2021, 4 in September 2021, 3 in August 2021, 2 in July 2021, 2 in June 2021, 2 in May 2021, 3 in April 2021, 3 in March 2021, and 1 in September 2020.*
Due to ongoing migration of the Vaccine Information Management System (VIMS) by the DICT, the DOH-EB will not be able to generate updated vaccine accomplishment until said migration has been resolved. Rest assured that any data submitted or edited through the VIMS application are still accepted and duly processed.