January 22, 2023

Ngayong 4 PM, Enero 22, 2022, ang Department of Health ay nakapagtala ng 30,552 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 41,471 na gumaling at 97 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.3% (280,619) ang aktibong kaso, 90.1% (3,053,499) na ang gumaling, at 1.58% (53,406) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 20, 2022 at lahat din ay nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at lagging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE at magpatest. Tandaan ang right test at the right time. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.