
Ngayong 4 PM, Enero 16, 2022, ang Department of Health ay nakapagtala ng 37,154 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 30,037 na gumaling at 50 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 9.0% (287,856) ang aktibong kaso, 89.4% (2,864,633) na ang gumaling, at 1.65% (52,907) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 14, 2022 habang mayroong 12 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 12 labs na ito ay humigit kumulang 2.7% sa lahat ng samples na naitest at 3.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.