
Ngayong 4 PM, Enero 4, 2022, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,434 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 611 na gumaling at 18 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.0% (29,809) ang aktibong kaso, 97.2% (2,779,706) na ang gumaling, at 1.80% (51,604) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 2, 2022 habang mayroong 16 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 16 labs na ito ay humigit kumulang 2.1% sa lahat ng samples na naitest at 1.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.