December 3, 2021

Ngayong 4 PM, Disyembre 3, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 544 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 734 na gumaling at 235 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.5% (14,977) ang aktibong kaso, 97.7% (2,769,914) na ang gumaling, at 1.73% (48,987) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong November 30, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs  na ito ay humigit kumulang 1.0% sa lahat ng samples na naitest at 1.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.