November 21, 2021

Ngayong 4 PM, Nobyembre 21, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 2,227 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 3,152 na gumaling at 175 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.7% (21,101) ang aktibong kaso, 97.6% (2,758,235) na ang gumaling, at 1.67% (47,074) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong November 19, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.5% sa lahat ng samples na naitest at 0.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Ating pinapaalalahan ang lahat na huwag maging kampante at maging mapagmatyag sa banta ng COVID-19. Ugaliing sumunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask na may face shield, mag physical distancing, at maghugas ng kamay. Nakasalalay sa kilos ng bawat isa sa atin ang posibleng pagbaba o pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa sa susunod na mga araw.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.