
Ngayong 4 PM, Nobyembre 17, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,190 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 2,759 na gumaling at 309 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.8% (23,846) ang aktibong kaso, 97.5% (2,750,531) na ang gumaling, at 1.64% (46,117) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 15, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 0.1% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Of the 309 reported deaths, only 18 occurred in November 2021. 61% of the reported deaths today occurred in October 2021 due to late encoding of death information to COVIDKaya. This issue is currently being coordinated with the Epidemiology and Surveillance Units to ensure information is up to date.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.