November 16, 2021

Ngayong 4 PM, Nobyembre 16, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 849 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 2,393 na gumaling at 99 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.9% (25,464) ang aktibong kaso, 97.5% (2,748,069) na ang gumaling, at 1.62% (45,808) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 14, 2021 habang mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 0.8% sa lahat ng samples na naitest at 0.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.