November 10, 2021

Ngayong 4 PM, Nobyembre 10, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 2,646 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 4,029 na gumaling at 99 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.0% (29,138) ang aktibong kaso, 97.4% (2,735,508) na ang gumaling, at 1.59% (44,665) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 8, 2021 habang mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 15.2% sa lahat ng samples na naitest at 5.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.