
Ngayong 4 PM, Nobyembre 9, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,409 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 2,941 na gumaling at 46 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.1% (30,544) ang aktibong kaso, 97.3% (2,731,583) na ang gumaling, at 1.59% (44,567) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 7, 2021 habang mayroong 14 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 14 labs na ito ay humigit kumulang 1.6% sa lahat ng samples na naitest at 2.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
The lower deaths reported today is due to technical issues encountered with COVIDKaya.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.