November 7, 2021

Ngayong 4 PM, Nobyembre 7, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 2,605 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 3,901 na gumaling at 191 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.2% (33,526) ang aktibong kaso, 97.2% (2,725,257) na ang gumaling, at 1.58% (44,430) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 5, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.5% sa lahat ng samples na naitest at 0.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.