November 5, 2021

Ngayong 4 PM, Nobyembre 5, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 2,376 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 2,109 na gumaling at 260 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.3% (37,377) ang aktibong kaso, 97.1% (2,716,524) na ang gumaling, at 1.58% (44,085) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 3, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.4% sa lahat ng samples na naitest at 0.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.