November 2, 2021

Ngayong 4 PM, Nobyembre 2, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 2,303 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 4,677 na gumaling at 128 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.5% (40,786) ang aktibong kaso, 97.0% (2,708,466) na ang gumaling, at 1.55% (43,404) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 31, 2021 habang mayroong 8 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 8 labs na ito ay humigit kumulang 1.2% sa lahat ng samples na naitest at 1.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.