
Ngayong 4 PM, Nobyembre 1, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 3,117 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 5,124 na gumaling at 104 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.5% (43,185) ang aktibong kaso, 96.9% (2,703,914) na ang gumaling, at 1.55% (43,276) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 30, 2021 habang mayroong 8 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 8 labs na ito ay humigit kumulang 0.8% sa lahat ng samples na naitest at 1.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.