October 31, 2021

Ngayong 4 PM, Oktubre 31, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 3,410 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 5,825 na gumaling at 128 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.6% (45,233) ang aktibong kaso, 96.8% (2,698,871) na ang gumaling, at 1.55% (43,172) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 29, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.6% sa lahat ng samples na naitest at 0.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker