October 28, 2021

Ngayong 7 PM, Oktubre 28, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 3,694 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 3,924 na gumaling at 227 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.8% (49,835) ang aktibong kaso, 96.7% (2,680,081) na ang gumaling, at 1.53% (42,575) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 26, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.