October 26, 2021

Ngayong 4 PM, Oktubre 26, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 4,393 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 8,470 na gumaling at 135 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.9% (53,642) ang aktibong kaso, 96.5% (2,669,953) na ang gumaling, at 1.52% (42,077) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 24, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.