October 25, 2021

Ngayong 4 PM, Oktubre 25, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 4,405 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,561 na gumaling at 149 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.1% (57,763) ang aktibong kaso, 96.4% (2,661,602) na ang gumaling, at 1.52% (41,942) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 23, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 0.6% sa lahat ng samples na naitest at 1.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.