
Ngayong 4 PM, Oktubre 23, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,807 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 9,578 na gumaling at 65 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.3% (63,051) ang aktibong kaso, 96.2% (2,647,031) na ang gumaling, at 1.51% (41,585) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 21, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.16% sa lahat ng samples na naitest at 0.01% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.