October 22, 2021

Ngayong 4 PM, Oktubre 22, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,823 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 4,748 na gumaling at 283 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.4% (66,838) ang aktibong kaso, 96.1% (2,637,531) na ang gumaling, at 1.51% (41,520) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 20, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 1.6% sa lahat ng samples na naitest at 1.6% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.