October 21, 2021

Ngayong 4 PM, Oktubre 21, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 4,806 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 5,934 na gumaling at 260 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.4% (65,835) ang aktibong kaso, 96.1% (2,633,039) na ang gumaling, at 1.50% (41,237) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 19, 2021 at lahat ng laboratoryo ay nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker