
Ngayong 4 PM, Oktubre 17, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,913 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 10,237 na gumaling at 95 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.0% (81,641) ang aktibong kaso, 95.5% (2,598,052) na ang gumaling, at 1.50% (40,675) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 15, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.5% sa lahat ng samples na naitest at 0.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.