October 13, 2021

Ngayong 5 PM, Oktubre 13, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 7,181 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,889 na gumaling at 173 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.1% (82,411) ang aktibong kaso, 95.4% (2,567,975) na ang gumaling, at 1.49% (40,069) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 11, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.